Kalusugan at Kapanatagan ng Pag-iisip

Alamin ang tungkol sa mga resources at impormasyon ukol sa kalusugan at kapanatagan ng pag-iisip, at ang mga linya ng telepono para sa krisis na inyong matatawagan sa panahon ng COVID-19. Binabanggit ng ilang mga artikulo ang mga resource na para sa mga partikular na grupo tulad ng mga queer communities, sex worker, at mga nakaligtas sa pang-aabuso sa tahanan (domestic abuse).

Ang bawat tao ay naiiba, at ang mga estratehiya para sa kalusugan at kaayusan ng pag-iisip na maaaring gumana para sa iyo ay maaaring hindi gumana para sa ibang tao. Alalahanin na makinig sa iyong katawan, alamin ang iyong mga sariling pangangailangan sa kalusugan at kapanatagan ng pag-iisip, at maging mabait sa iyong sarili kapag humihingi ng suporta.

Tandaan: Ang mga nakasulat dito ay hindi pwedeng ipalit sa propesyonal na payong medikal o klinikal. Hindi kami maaaring magbigay ng mga opisyal na referral para sa mga resource na nangangailangan ng mga naka-dokumentong referral galing sa mga lisensyadong tagapagkaloob ng serbisyo. Ang ilang mga resource sa website na ito ay mayroong kalakip na mga serbisyo para sa referral mula sa mga lisensyadong propesyonal.

MentalHealthResources.png

Karagdagang kaalaman

Higit pang alamin ang tungkol sa kalusugan at kaayusan ng pag-iisip mula sa mga libreng online media at mga listahan ng resource sa ibaba.

HeretoHelp.bc: Mga sariling pagsusuri sa kalusugan ng pag-iisip

  • Online self-screening para sa depresyon, pagkabalisa, paggamit ng alkohol at cannabis, at pangkalahatang kalusugan.
  • Website na nagbibigay rin ng ““Plainer Language Series” (Serye para sa Mas Malinaw na Wika)” ( na nagtatampok sa mga libre at pwedeng i-download na mga factsheet na PDF na nakasulat sa lebel ng pagbasa ng Ika-4 na Baitang (kasama sa mga paksa ang tungkol sa depresyon, pagkabalisa, pagpapakamatay o pagpapatiwakal, galit, at sakit sa pag-iisip).
  • Mga wika: Ingles. Para sa tradisyonal na Wikang Tsino, i-click ang “Traditional Chinese” (nakasulat sa Ingles) sa kanang sidebar.

Tandaan: Ang instrumentong ito ay hindi nagsisilbing propesyonal na diagnosis, interbensyon sa krisis, o pangunang lunas sa kalusugan ng pag-iisip. Ito ay inilaan upang suportahan ka at ang mapagkakatiwalaang tagapagkaloob ng serbisyo sa paggawa ng matalinong desisyon para sa iyong mga pangangailangan.

Takecare19: Mga accessible at ingklusibong resource para sa kalusugan ng pag-iisip para harapin ang COVID-19

  • Direktoryo ng mga resource para sa kalusugan at kaayusan ng pag-iisip na madaling pagkuhanan ng tulong at hindi binabalewala ang mga taong queer, trans, non-binary, Two Spirit, may kapansanan, at matatanda na hindi puti.
  • Mayroong mga link para sa sa pangkalahatang impormasyon, online therapy, serbisyong panlipunan, materyal sa pagtuturo, mga senyales sa paglikha (creative prompts) at iba pa.
  • Mga wika: Ingles

Anxiety Canada: Pakikipag-usap sa mga bata tungkol sa COVID-19

  • Pangkalahatang impormasyon at mga payo para sa mga tagapag-alaga tungkol sa pakikipag-usap sa mga bata tungkol sa COVID-19 at pamamahala ng pagkabalisa.
  • Mga wika: Ingles

BC Schizophrenia Society: COVID-19 at pagsuporta sa kasama sa bahay na may schizophrenia

  • Pangkalahatang impormasyon at mga payo para sa sumusuporta o nag-aalaga sa taong may schizophrenia.
  • Mga wika: Ingles

Vancouver-Fraser Canadian Mental Health Association: Pagharap sa pandemya: Paano protektahan ang inyong kalusugan sa kaisipan /面對疫情,如何守護心理健康

  • Libre, pwedeng i-download na PDF na may pangkalahatang impormasyon tungkol sa kalusugan at kaayusan ng pag-iisip sa panahon ng COVID-19.
  • Mga wika: Tradisyonal na wikang Tsino

QTPoC Mental Health: Rest for Resistance

  • Libreng online magazine na naka-base sa New York.
  • Nagtatampok ng likhang sining, tula, tuluyan, at mga artikulong nilikha ng/para sa mga taong queer na hindi puti tungkol sa mga paksang sakit, kalusugan at pangkalahatang kaayusan ng pag-iisip. *Mga wika: Ingles

Health Translations: Mga isinaling impormasyon tungkol sa kalusugan at pangkalahatang kaayusan (Australia)

  • Mga artikulong makakatulong:

  • Mga wika: Ingles. Para sa Tradisyonal na wikang Tsino, Vietnamese, at Tagalog, piliin ang resource at i-click ang pangalan ng file na may tatak na wika, halimbawa: “Tagalog (PDF file).”

Tandaan: Ang resource na ito ay naka-base sa Australia. Ang mga numero ng telepono, address, at sanggunian sa mga serbisyo ng gobyerno o komunidad ay maaaring hindi magamit para sa mga tao sa labas ng Australia.