Mga Survivor ng Karahasan sa Tahanan at Seksuwal na Karahasan

Alamin ang tungkol sa mga resource at organisasyon na nag-aalok ng suporta para sa mga tao na nakaranas ng karahasan sa tahanan at/o seksuwal na karahasan. Marami sa mga resource ang sumusuporta sa lahat o iba’t-ibang kasarian. Nag-aalok ang ilang mga resource ng mga programa na partikular para sa mga kabataan.

Tandaan: Ang mga nakasulat dito ay hindi pwedeng ipalit sa propesyonal na payong medikal or klinikal. Hindi kami maaaring magbigay ng mga opisyal na referral para sa mga resource na nangangailangan ng mga naka-dokumentong referral galing sa mga lisensyadong tagapagkaloob ng serbisyo. Ang ilang mga resource sa website na ito ay mayroong kalakip na mga serbisyo para sa referral mula sa mga lisensyadong propesyonal.

Atira Women’s Resource Society

Ang Atira Women’s Resource Society ay suporta sa komunidad at sentro ng resource na nagsisilbi sa kababaihan (trans at cis) na nakaranas ng karahasan sa kanilang buhay. Nagbibigay rin sila ng ilang mga programa para sa mga kabataan.

  • "Stopping the Violence" program: Libreng indibidwal na counselling o support group para sa kababaihan (trans at cis) na nakaranas ng karahasan sa kanilang buhay.
  • “The Family Project: PEACE” program: Counselling para sa mga kabataan na nakaranas o nalantad sa karahasan, na mayroong karagdagang impormasyon para sa mga tagapangalaga.
  • Kabilang sa counselling at mga suporta ang pamamagitan sa krisis, pagpaplano ng kaligtasan, mga estratehiya sa pagharap ng mga isyu at mga referral sa iba pang mga serbisyo.
  • “Maxxine Wright Community Health Centre”: Counselling para sa kababaihan (trans at cis) na buntis o may mga anak na mas bata sa 6 na buwang gulang sa oras ng pagpasok, at naapektuhan din ng karahasan, pang-aabuso at/o paggamit ng droga. Kapag natapos na ang intake, maaaring suportahan ng programa ang mga kababaihan hanggang sumapit sa 4 na taon ang kanilang mga anak.
    • Nag-aalok din ang sentro ng mga serbisyo para sa referral; access para sa social worker, tulong sa pabahay, tulong sa kita at mga form; pangangalagang medikal, nursing at dental; mga donasyong gamit para sa pangangalaga ng mga bata.
  • Kailan ko pwedeng makuha ang mga resource na ito? Karamihan sa mga serbisyong ito ay kailangan puntahan (drop-in) mula Martes hanggang Biyernes. Para sa Lunes o anupamang mga araw, inirerekomenda namin na tumawag nang mas maaga upang makumpirma ang availability ng serbisyo.
  • Mga wika : English

BC Society for Male Survivors of Sexual Abuse: 604-682-6482

  • Bukas nang 24/7
  • Nagsisilbi sa mga survivor ng seksuwal na pang-aabuso (kabilang ang mga trans at cis na kalalakihan) at kanilang mga kamag-anak o partner.
  • Website: www.bc-malesurvivors.com

Mga helpline o linya ng tulong para sa krisis

Para sa listahan ng mga helpline para sa krisis, mangyaring tingnan ang aming page para sa Mga Helpline (para sa krisis at suporta sa kalusugan ng pag-iisip).