Higit pang alamin ang tungkol sa mga counsellor, therapist, at support group na mayroong malawak na pagkadalubhasa at nag-aalok ng mga online na sesyon.
Tandaan: Ang mga nakasulat dito ay hindi pwedeng ipalit sa propesyonal na payong medikal or klinikal. Hindi kami maaaring magbigay ng mga opisyal na referral para sa mga resource na nangangailangan ng mga naka-dokumentong referral galing sa mga lisensyadong tagapagkaloob ng serbisyo. Ang ilang mga resource sa website na ito ay mayroong kalakip na mga serbisyo para sa referral mula sa mga lisensyadong propesyonal.
Paano makakatulong sa akin ang page na ito?
Sa panahon ng pandemya ng COVID-19, maaaring magdulot ng bagong alalahanin o magpalala sa kalusugan ng pag-iisip ang mga malubhang pagbabago sa ating pang-araw-araw na buhay. Ikaw at ang mga kinababahagian mong komunidad ay maaaring makaharap ng mga panibagong pagsubok na may epekto sa pangkalahatang stress at mga alalahanin tungkol sa kalusugan at kaayusan ng pag-iisip.
Maaaring may ilan na gustong makipag-ugnayan para sa suporta sa pagproseso ng mahihirap na karanasan o nais lamang na matutong pangalagaan ang iyong kalusugan at kaayusan ng pag-iisip.
Marami sa mga counsellor, therapist, at support group sa page na ito ay malugod na tinatanggap at hindi humuhusga sa mga karanasan batay sa lahi, kasarian, sekswalidad, kapansanan, edad, laki, at iba pang mga salik. Nag-aalok ang ilan ng mga opsyong libre, murang halaga o ayon sa iyong kita.
Mga counsellor at therapist na nakakapagsalita ng Tagalog
Healing in Colour
Mayroong direktoryo ng mga therapist sa British Columbia ang Healing in Colour na nagsisilbi sa mga may lahing Itim, Katutubo, at hindi puti. Sumasang-ayon ang lahat ng mga therapist na nakalista sa Pahayag ng mga Pamantayan ng Healing in Colour, kung saan kabilang rito ang pangako sa kahalagahan na hindi mapaniil o anti-oppressive at malugod na tinatanggap ang mga taong queer at trans, pati na rin ang mga sex worker.
- Website: https://www.healingincolour.com/
- Mga Wika: English at iba pang mga wika.
- Para sa Tagalog at Kapampangan, hanapin si Cyrll Santos ((604) 332-2534).
Lilet Duivenvoorden, MA, RPC, MPCC, RP
- Counsellor na nakikipagtulungan sa mga indibidwal at mag-partner (edad 16+)
- Larangan ng kadalubhasaan: Depresyon, anxiety (pagkakabalisa), pagdadalamhati at pagkawala ng mahal sa buhay, borderline personality disorder, pagsubok sa relasyon at counselling para sa krisis.
- Bayad: Makipag-ugnayan para sa mga detalye.
- Email: lilet.duivenvoorden@gmail.com
- Website: www.livetodaycounsellingservices.com
- Mga Wika: English, Tagalog
Iba pang mga counsellor at therapist
Dragonstone Counselling
Nagsisilbi ang Dragonstone Counselling sa mga indibidwal ng lahat ng kasarian, sekswalidad, kultura at mga karanasan sa buhay. Malugod nilang tinatanggap ang mga may lahing Itim, Katutubo at taong hindi puti, pati na rin ang LGBTQI2S+ (Lesbian, gay, bisexual, trans, queer, intersex, Two Spirit) at mga imigrante.
- Nag-aalok ang ilang counsellor ng mababang bayad / bayad ayon sa kita o maaaring masakop ng insurance.
- Telepono: 604-738-7557
- Email: dragonstone.counselling@gmail.com
- Website: www.dragonstonecounselling.ca Languages: English at iba pang mga wika. Para sa Cantonese at Mandarin, Hanapin si counsellor Ginny Wong (604-356-1320 o ginnywong.therapy@gmail.com).
Adler Counselling
Nagsisilbi ang Adler Counselling sa mga indibidwal ng lahat ng kasarian, sekswalidad, kultura at mga karanasan sa buhay. Malugod nilang tinatanggap ang mga may lahing Itim, Katutubo at hindi puti, pati na rin ang LGBTQI2S+ (Lesbian, gay, bisexual, trans, queer, intersex, Two Spirit) at mga imigrante.
- Mababang bayad at may opsyon na makatanggap ng serbisyo mula sa mga counselling intern.
- Telepono: 604-742-1818
- Email: apabc@adler.bc.ca
- Website: www.adlercentre.ca/counselling-clinic/
- Mga wika: English
J. Matsui de Roo, MA RCC
Si J. Matsui de Roo ay isang counsellor na nakikipagtulungan sa mga indibidwal, mag-partner at mga grupo ng kabataan at may hustong gulang (edad 13+)
- Mga larangan ng kadalubhasaan: Counselling para sa mga queer, trans, Two Spirit, lahing Itim, Katutubo, hindi puti, tungkol sa mga isyu ng: Depresyon, anxiety (pagkabalisa), mga kumplikadong diagnosis (hal. borderline personality disorder (BPD), dissociative identity disorder (DID)), mga relasyon, sekswalidad at intimasiya, trauma, dinamiko ng pang-aabuso at pagmamaltrato, mga isyu na sakop ang iba’t-ibang kultura at gender affirming care (pangangalaga na sumusuporta sa kasarian ng isang tao).
- Nag-aalok ng framework o perspektibo at espasyo na hindi mapaniil o anti-oppresive batay sa lahi, kasarian, seskwalidad, kapansanan, laki, edad, estado, atbp.
- Nag-aalok rin ng pagtatasa at referral para sa hormonal at surgical readiness.
- Kasalukuyang sesyon sa pamamagitan ng telepono.
- Bayad: $150/50 minuto (counselling), o $350/50 minuto (pagtatasa at referral para sa hormonal at surgical readiness)
- Email: matsui@genderoo.com
- Website: www.genderoo.com
- Mga wika: English
Lu Lam, M.ED CC
- Counsellor na nakikipagtulungan sa mga indibidwal na kabataan at may hustong gulang (edad 13+). Mga larangan ng kadalubhasaan: Counselling para sa mga queer, trans, Two Spirit, lahing Itim, Katutubo, hindi puti, tungkol sa mga isyu ng: depresyon, takot/anxiety (pagkabalisa), burnout o pagkahapo, pagdadalamhati, kalumbayan, pighati, pagpapalit ng kasarian, identidad, imigrasyon at paglipat, kronikong sakit, pagkawala ng mga relasyon, at mindfulness.
- Nag-aalok ng framework o perspektibo at espasyo na hindi mapaniil o anti-oppresive batay sa lahi, kasarian, seskwalidad, kapansanan, laki, edad, estado, atbp.
- Ang mga kasalukuyang sesyon ay online sa pamamagitan ng Zoom.
- Bayad: $126/60 minuto.
- Email: lu@lulam.ca
- Website: www.lulam.ca
- Mga wika: English
Ji-Youn Kim
- Counsellor at personal coach na nakikipagtulungan sa mga indibidwal na may hustong gulang.
- Mga larangan ng kadalubhasaan: Counselling para sa mga queer, trans, Two Spirit, lahing Itim, Katutubo, hindi puti, tungkol sa mga isyu ng: Somatic therapy; Dialectical Behaviour Therapy (DBT); CognitiveBehaviour Therapy (CBT), trauma, burnout o pagkahapo, mga relasyon at komunikasyon at pagpoproseso ng emosyon.
- Nag-aalok ng framework o perspektibo at espasyo na hindi mapaniil o anti-oppresive batay sa lahi, kasarian, seskwalidad, kapansanan, laki, edad, estado, atbp.
- Ang mga kasalukuyang sesyon ay online sa pamamagitan ng Zoom.
- Bayad: $125/50 minuto.
- Email: jiyoun@itsjiyounkim.com
- Website: www.itsjiyounkim.com
- Mga wika: English
Fayza Bundalli, MSW, RSW
- Counsellor na nakikipagtulungan sa mga indibidwal, mag-partner at mga grupo. Mga larangan ng kadalubhasaan: Nagsisilbi sa mga queer, trans, Two Spirit, lahing Itim, Katutubo, hindi puti, na kabilang ang isyu ng Somatic therapy.
- Nag-aalok ng framework o perspektibo at espasyo na hindi mapaniil o anti-oppresive batay sa lahi, kasarian, seskwalidad, kapansanan, laki, edad, estado, atbp.
- Bayad: $140/60 minuto (mga indibidwal), o $150/60 minuto (mga mag-partner at mga grupo)
- Email: contact@fayzabundalli.com
- Website: www.fayzabundalli.com
- Mga wika: English
Mga support group
- Libreng suporta online mula sa/para sa mga may lahing Itim, Katutubo at hindi puti na * nakakaranas ng mga eating disorder o karamdaman sa pagkain.
- Espasyo na sumuporta sa mga queer and body positive.
- Pinapatakbo ng Nalgona Positivity Pride.
- Mga wika: English