Alamin ang tungkol sa mga programa na nagbibigay ng suporta para sa mga taong naiisip ang pagpapakamatay, nakaligtas sa mga pagtatangka sa pagpapakamatay, o may panganib sa pagpapakamatay, pati na rin ang mga nag-aalaga sa kanila.
Tandaan: Ang mga nakasulat dito ay hindi pwedeng ipalit sa propesyonal na payong medikal o klinikal. Hindi kami maaaring magbigay ng mga opisyal na referral para sa mga resource na nangangailangan ng mga naka-dokumentong referral galing sa mga lisensyadong tagapagkaloob ng serbisyo. Ang ilang mga resource sa website na ito ay mayroong kalakip na mga serbisyo para sa referral mula sa mga lisensyadong propesyonal.
Suicide Attempt Follow-up, Education & Research (S.A.F.E.R.)
Ang S.A.F.E.R ay isang libre, pero may limitadong oras, na serbisyo sa pagpapayo na pinatatakbo ng Vancouver Coastal Health (VCH). Gumagana ito upang masuri at mabawasan ang panganib ng pagpapakamatay. Nagbibigay ang programang ito ng:
- Panandaliang pagpapayo (6 na buwan o mas mababa) para sa mga taong may edad na 19+ na nag-iisip magpakamatay (suicidal ideation).
- Pagpapayo (hanggang 1 taon) para sa mga nagdadalamhati dahil sa pagpapakamatay ng taong mahalaga sa kanila (indibidwal o facilitated group).
- Maikling panahong suporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon (hanggang sa 3 appointment) para sa mga kasalukuyang nag-aalala tungkol sa ibang taong naiisip magpakamatay.
- Mga Wika: Ingles
Paano ko makukuha ang mga resource na ito?
- Maaaring i-refer ang sarili sa pamamagitan ng telepono o walk-in. Kailangan mong mag-refer o magcheck-in sa pamamagitan ng Access and Assessment Centre (AAC).
- Telepono: (604) 675-3700
- Address: Vancouver General Hospital, Outpatient Psychiatry Team, Ground Floor, 715 West 12th avenue (Vancouver, BC)
Child and Adolescent Response Team (CART)
Ang CART ay ipinagkakaloob ng Vancouver Coastal Health (VCH) at nagbibigay ng agarang tugon (sa loob ng 72 oras), panandaliang suporta sa mga bata at kabataang nakakaranas ng mga emosyonal na krisis at krisis sa kalusugan sa isip.
- Ipinagkakaloob sa mga residente ng Vancouver na 5 hanggang 18 taong gulang.
- Kabilang sa mga serbisyo ang: pagtatasa, konsultasyon, klinikal na interbensyon, at koordinasyon sa mga karagdagang resource ng komunidad.
- Ang mga kliyente na may isang pribadong psychiatrist o nagtatrabaho na sa koponan ng VCH Child and Youth Mental Health ay hindi kwalipikado sa panandaliang paggamot.
- Mga Wika: Ingles
Paano ko makukuha ang mga resource na ito?
- Kailangan tumawag sa telepono para ma-access.
- Telepono: 604-874-2300
Mga linya ng tulong sa panahon ng krisis (crisis helplines)
Para sa listahan ng mga linya ng tulong sa panahon ng krisis (crisis helplines), tingnan ang aming page para sa Linya ng tulong (Krisis at Suporta sa Kalusugan at Kaayusan ng Pag-iisip).