Ang COVID-19 ay hindi lamang isang pangkalusugang krisis, ito rin ay isang krisis ng paglaganap ng maling impormasyon.
Habang lumalaganap ng takot at hindi katiyakan ang mga kumakalat na tsismis at hindi tiyak na impormasyon, humaharap ang mga etno-kultural na komunidad sa mga kakaibang panganib. Partikular na kinakaharap ng mga miyembro ng komunidad ang iba’t-ibang hadlang sa pagkuha ng mapagkakatiwalaang impormasyon dahil hindi palaging makukuha ang mga resource sa kanilang sariling wika. Lalo pang pinapalakas ang mga hadlang na ito ng kumplikadong sirkunstansiya sa buhay na kinakaharap ng bawat indibidwal.
Ang C19 Response Coalition (COVID-19 Response Coalition), ay nakatuon sa mga komunidad na hindi napaglalaanan ng pansin dahil sa kanilang lahi, wika, at kakulangan ng sapat na kita. Nais namin na magkaroon sila ng sapat na kaalaman para maintindihan nila ang tamang impormasyon, sapagkat napakaraming impormasyon tungkol sa COVID-19.
Pinapalakas namin ang mga komunidad sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tama at pinakabagong impormasyon at mga resource upang maaari silang gumawa ng maayos na desisyon para sa kanilang sariling kalusugan at pati na rin ng kanilang komunidad, sa harap ng mga hindi inaasahang panahon.
Inaasahan namin na ang website na ito ay madaling gamitin para sa mga taong iba’t iba ang wika, at ang mga resources ay mapagkakatiwalaan dahil ginagawa naming priyoridad ang wika at kultura.
Aming Layunin
Upang palakasin ang mga mamamayan na Chinese-, Vietnamese-, at Filipino-Canadian upang makapagsagawa ng mga angkop na pag-iingat at gumawa ng mga may kaalamang desisyon para sa kanilang sarili at sa mas malawak na komunidad sa panahon ngemerhensiyang pangkalusugan dahil sa COVID-19.
Tungkol sa Amin
Kami ay isang samahan ng mga organisasyon at mga indibidwal na nagtatrabaho upang palakasin ang mga komunidad na nagsasalita ng Cantonese, Mandarin, Vietnamese at Tagalog sa Metro Vancouver.
Ang mga nilalaman at mga resource dito ay pinagsasama-sama ng mga nag-oorganisa at mga miyembro ng komunidad.
Ang mga page at mga resource sa Tagalog na nasa website na ito ay posible dahil sa tulong ng mga partner sa komunidad na ito. Matuto pa tungkol sa aming team.
Ang C19 Response Coalition (COVID-19 Response Coalition), ay matatagpuan sa unceded (hindi isinuko), tradisyonal, at minanang lupa mula sa mga ninuno ng mga grupo ng Coast Salish, kabilang ang tatlong may titulong nasyon ng xʷməθkʷəy̓əm (Musqueam), skx̱wú7mesh (Squamish), at səlílwətaʔ/sel̓íl̓witulh (Tsleil-Waututh).
Pagpopondo
Nagpapasalamat kami sa pagbibigay ng suporta mula sa aming mga taga-pondo:
Pamahalaan ng Canada
Digital Citizen Initiative's Digital Citizen Contribution Program (Programa sa Kontribusyon ng Digital na Mamamayan ng Digital Citizen Initiative)