Mga linya ng tulong (Krisis at Suporta sa Kalusugan at Kapanatagan ng Pag-iisip)

Alamin ang tungkol sa mga linya ng tulong para sa krisis, emergency, at pangkalahatang impormasyon sa kalusugan at kapanatagan ng pag-iisip.

Mangyaring tandaan na ang mga tauhang nagbibigay ng serbisyo sa lahat ng linya ng tulong ay nagsasalita ng Ingles, subalit maaaring humiling ng serbisyo ng tagasalin sa Tagalog. Tingnan ang aming step-by-step guide para malaman kung paano humiling ng tagasalin sa ilalim ng mga angkop na mga resource.

Tandaan: Ang mga nakasulat dito ay hindi pwedeng ipalit sa propesyonal na payong medikal o klinikal. Hindi kami maaaring magbigay ng mga opisyal na referral para sa mga resource na nangangailangan ng mga naka-dokumentong referral galing sa mga lisensyadong tagapagkaloob ng serbisyo. Ang ilang mga resource sa website na ito ay mayroong kalakip na mga serbisyo para sa referral mula sa mga lisensyadong propesyonal.

Linya para sa Krisis

Kung ikaw ay nakakaranas ng pagkabalisa at nangangailangan ng agarang suporta, makipag-ugnayan sa isa sa mga linya ng telepono para sa krisis:

 

BC Crisis Line: 1-800-784-2433 (1-800-SUICIDE)

  • Tumawag para sa krisis at suporta ukol sa kalusugan at kapanatagan ng pag-iisip *Magagamit 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
  • Linya para sa Vancouver, Richmond, North Shore, Sea to Sky: 604-872-3311
  • Linya para sa Sunshine Coast, Bella Coola, Howe Sound: 1-866-661-3311
  • Linya para sa mga Senior na Nahihirapan: 604-872-1234
  • Linya ng Suporta sa Kalusugan ng Kaisipan: 310-6789
  • Serbisyong online chat para sa kabataan (12 pm-1am): www.YouthInBC.com
  • Serbisyong online chat para sa mga nasa hustong gulang (12 pm-1am): www.crisiscentrechat.ca
  • Website: www.crisiscentre.bc.ca
  • Mga Wika: Ingles at higit sa 140 wika.

Paano ako hihiling ng tulong sa aking wika, at ano ang aasahan ko?

  1. Kapag tinawagan mo ang linyang ito, sasagot ang isang provider ng serbisyo.
  2. Dapat kang humiling ng tagasalin. Mangyaring sabihin: “Interpreter please."
    • Maaari ka nang humiling ng tagasalin.
      • Para sa Tagalog: “Tagalog or Filipino.”
  3. Maghihintay ka habang ang tao sa kabilang linya ay naghahanap ng tagasalin. Kapag sumali na sa linya ang tagasalin, isasalin nila ang pag-uusap sa pagitan mo at ng provider ng serbisyo na nagsasalita ng Ingles.

Trans Lifeline: 877-565-8860

  • Tumawag para sa suporta sa krisis sa kalusugan at kapanatagan ng pag-iisip sa isang linya ng telepono na pinamamahalaan ng at para sa mga taong transgender.
  • Magagamit 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
  • Website: www.translifeline.org
  • Mga Wika: Ingles

Women Against Violence Against Women (WAVAW): 604-255-6344

  • Naghahatid serbisyo para sa mga nakaligtas sa sekswal na karahasan (kabilang ang mga trans at cis na kababaihan, Two Spirit people, at trans, intersex, o non-binary na mga tao ng anumang kasarian).
  • Magagamit na 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
  • Libreng linya: 1-877-392-7583
  • Website: www.wavaw.ca
  • Mga Wika: Ingles

Battered Women’s Support Services (BWSS): 604-687-1867

  • Nagsisilbi para sa mga nakaligtas sa karahasan sa tahanan (kabilang ang mga kababaihan sa trans at cis, Two Spirit people, at trans, intersex, o non-binary na mga tao ng anumang kasarian).
  • Magagamit 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
  • Website: www.bwss.org

KUU-US Crisis Line: 250-723-2323 (Extension: 229)

  • Tumawag para sa suporta sa krisis sa kalusugan ng isip at kaayusan, sa linya ng telepono na pinamamahalaan ng at para sa mga Katutubo.
  • Magagamit na 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
  • Nagsisilbi sa lahat ng BC. Nakabase sa Port Alberni.
  • Website: www.kuu-uscrisisline.ca
  • Mga Wika: Ingles
 

Mga Linya ng Telepono para sa Impormasyon

Para sa mga sitwasyong hindi emergency at walang banta sa buhay

Tandaan: Kung ikaw ay nakakaranas ng pagkabalisa at nangangailangan ng agarang suporta, makipag-ugnayan sa isa sa mga numero sa aming seksyong "Mga Linya ng Telepono para sa Krisis" sa itaas. Ang mga telepono na nakalista sa ilalim ng "Mga linya ng telepono para sa impormasyon" ay nagbibigay ng panandaliang suporta at mga referral sa iba pang mga mapagkukunan, at hindi para sa mga krisis o emerhensiya.

 

Pambansang linya para sa mga may Eating Disorder: 1-866-NEDIC-20

  • Nagbibigay serbisyo sa mga taong nakaranas, nag-aaruga sa isang tao na may, o nais na mag-access ng mga resource na nauugnay sa mga eating disorder.
  • Linya para sa Toronto: 416-340-4156
  • Mga serbisyong online chat (Lunes - Huwebes 9am - 9pm, Biyernes 9 am-5pm)
  • Website: www.nedic.ca
  • Mga Wika: Ingles