Huling update: Hunyo 10, 2020. Para sa pinakabagong impormasyon, tignan ang aming page ng mga resources na galing sa pamahalaan.
Alamin ang mga pinakakaraniwang haka-haka tungkol sa COVID-19, at kung saan makakahanap ng mga pinakabago at mapagkakatiwalaang impormasyon upang mag-fact-check sa Tagalog.
Kung hindi ka sigurado sa mga impormasyon tungkol sa COVID-19 na iyong nababasa, kunsultahin ang aming gabay kung paano ihiwalay ang mapagkakatiwalaang impormasyong pangkalusugan mula sa fake news, o bisitahin ang website na nakalista sa ibaba para sa fact-checking.
Mayroon bang mga website sa aking wika na naghihiwalay ng mga totoong impormasyon sa mga haka-haka?
Patuloy na nakikipagtulungan ang team ng C19 Response Coalition upang maghanap ng mga pinakabago at tamang resource sa iyong wika. Para sa tumpak, at pinakabagong impormasyon at balita tungkol sa COVID-19, tingnan ang aming page sa Mga Resource mula sa Pamahalaan at Mga Update na naglalaman ng mga link para sa iba’t ibang mga wika.
Nasa ibaba ang ilang mapagkakatiwalaang mga website ng mga organisasyon na nagsasagawa ng pag-fact-check ng mga haka-haka upang tukuyin kung ano ang totoo. Sinusuri ng mga organisasyong ito ang mga pahayag mula sa TV, mga dyaryo o balita, internet, at social media at ikukumpara nila ang mga ito sa pagsasaliksik ng pamahalaan, trabaho ng mga mananaliksik sa unibersidad na batay sa ebidensiya, at mga datos mula sa iba pang mga mapagkakatiwalaang mga source upang makapagbigay ng paglilinaw, katiyakan, at konteksto sa panahon ng maling impormasyon at disimpormasyon.
Kung mayroon kang nakitang impormasyon tungkol sa COVID-19 na mukhang hindi mapagkakatiwalaan, maaari mong hanapin ito sa mga website para sa fact-checking na nakalista sa ibaba.
Ingles
Mga Kilalang Haka-haka tungkol sa COVID-19
Mga Haka-haka sa Kalusugan
Sa kasalukuyan, ang Public Health Agency of Canada (Ahensiya sa Pampublikong Kalusugan ng Canada) ay “hindi pa nag-aapruba ng anumang produkto sa pag-iwas o paggamot ng COVID-19.” Para sa pinakabago at pangkalusugang impormasyon tungkol sa COVID-19, tingnan ang aming page sa Mga Resource mula sa Pamalahaan at Balita at Mga Resource sa Kalusugan upang alamin kung paano iwasan at i-manage ang COVID-19.
Pag-inom o pagkain ng garlic water (pinakulong tubig na may bawang)
Ano ang haka-haka? Makakatulong ang pag-inom ng pinakulong tubig na may bawang sa paglunas ng COVID-19 o pagkakaroon ng resistensiya sa COVID-19.
Bakit hindi totoo ang haka-haka na ito? Sinaliksik ng World Health Organization (Organisasyon ng Pandaigdigang Kalusugan) ang haka-hakang ito at nagkaroon ng konglusyon na:
Masustansiyang pagkain ang bawang na mayroong ilang antimicrobial properties. Ngunit walang ebidensiya mula sa kasalukuyang outbreak na pinoprotektahan ng pagkain ng bawang ang mga tao mula sa bagong coronavirus.
-Mula sa World Health Organization (Nakuha noong Hunyo 2, 2020)
Saan ako makakakuha ng karagdagang impormasyon? Basahin ang artikulo ng Snopes kung saan ipinapaliwanag kung bakit mali ang haka-hakang ito.
Pag-inom ng tubig na hinaluan ng suka/asin
Ano ang haka-haka? Makakatulong ang pag-inom ng tubig na hinaluan ng suka/asin sa paglunas ng COVID-19 o pagkakaroon ng resistensiya sa COVID-19.
Bakit hindi totoo ang haka-haka na ito? Para sa mga karaniwang sintomas ng sipon at trangkaso, makakatulong ang pagmumog ng maligamgam na tubig, suka, at asin. Gayumpaman, walang ebidensiya na makakatulong ito sa paglunas o pagkawala ng mga sintomas at impeksiyon ng COVID-19.
Saan ako makakakuha ng karagdagang impormasyon? Basahin ang artikulo ng Snopes kung saan ipinapaliwanag kung bakit mali ang haka-hakang ito.
Tubig na hinaluan ng honey at lemon
Ano ang haka-haka? Makakatulong ang pag-inom ng tubig na hinaluan ng honey at lemon (o kalamansi) sa paglunas ng COVID-19 o pagkakaroon ng resistensiya sa COVID-19.
Bakit hindi totoo ang haka-haka na ito? Habang masarap o nakakapagbigay ng ginhawa para sa sipon at trangkaso ang pag-inom ng mainit na tubig na hinaluan ng honey at lemon (o kalamansi), hindi ito epektibong paraan upang makakuha ng Vitamin C o puksain ang COVID-19. Hindi nakakapagbigay ng lunas ang Vitamin C para sa mga viral na impeksiyon.
Saan ako makakakuha ng karagdagang impormasyon? Basahin ang artikulo ng Snopes kung saan ipinapaliwanag kung bakit mali ang haka-hakang ito.
Mga pampinansiyal na haka-haka
Upang alamin ang mga scam na dapat abangan at kung saan makakahanap ng mapagkakatiwalaan at tiyak na impormasyon, tingnan dito ang aming page tungkol sa Mga Resource tungkol sa mga Scam na Pinansiyal at mga Pandaraya.
Ano ang mga scam?
Ang mga scam ay mapanlinlang na kampanya na naglalayon at sinasadyang lokohin ang mga tao na maniwala na ito ay tunay na anunsyong pampublikong serbisyo, lehitimong patalastas, o mga opisyal na entidad. Sinusubukan ng mga scam na hikayatin kayong ibigay ang iyong personal na impormasyon para magamit sa masamang layunin. Dumarami ang mga scam sa kasalukuyang pandemya ng COVID-19 at sinasamantala nito ang takot at pagkabalisa ng mga tao sa walang katiyakan ng pandaigdigang krisis ng kalusugan.
Para sa listahan ng mga karaniwang scam kaugnay ng COVID-19 at kung paano protektahan ang iyong sarili mula rito, mag-click dito.
Higit pang impormasyon
Karagdagang kaalaman
- Kung makakita ka man ng impormasyon tungkol sa COVID-19 ngunit hindi sigurado at hindi makahanap ng anumang impormasyon sa mga mapagkakatiwalaang website para sa fact-checking, sundan ang aming gabay kung paano tukuyin Ang Totoo at Peke/Maling Impormasyon.
- Para sa pinakabago at mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa mga balita, estadistika, kalusugan, at mga pampinansiyal na resource, tingnan ang aming page sa Mga Resource mula sa Pamahalaan at Mga Update.
- Sa webinar na ito, tinalakay sa Ingles at Tagalog ni Dr. Iris Radev, isang Pilipinong doktor na taga-Vancouver, ang mga karaniwang haka-haka tungkol sa COVID-19.
Mga Sanggunian
Ang lahat ng mga link ay nasa Ingles maliban na lamang kung itinala. Ang mga page ay ayon sa pagkakasunod-sunod sa pahinang ito.
- World Health Organization: Coronavirus disease (COVID-19) advice for the public: Myth busters. Kinuha noong Hunyo 1, 2020.
- Snopes Will Garlic Water Cure Coronavirus?. Inilathala noong Marso 10, 2020. Kinuha noong Hunyo 1, 2020.
- Will Gargling with Salt Water or Vinegar ‘Eliminate’ the COVID-19 Coronavirus?. Inilathala noong Marso 14, 2020. Kinuha noong Hunyo 1, 2020.
- Will Lemons and Hot Water Cure or Prevent COVID-19?. Inilathala noong Marso 26, 2020. Kinuha noong Hunyo 1, 2020.