Patuloy naming ina-update ang website na ito, upang malaman ng ating komunidad ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19. Priyoridad namin na tiyaking may kaunawaan at kaalaman ang bawat miyembro ng ating komunidad habang nagbabago ang takbo ng emerhensiyang pangkalusugan sa British Columbia.
Dedikado ang aming grupo na sumusubaybay at tumutugon sa parehong 1) mga resource at 2) maling impormasyon na kasalukuyang mas nakikita sa internet.
Nagsisikap kami upang:
1. Internal na kumalap ng mga resource at hindi totoong impormasyon
2. Mag-ayos at magtipon ng mapagkakatiwalaang kaalaman bilang tugon sa hindi totoong impormasyon
3. Magbahagi ng mahahalagang impormasyon at naka-buod na mga resource online.
Ang lahat ng nilalaman ng website na ito ay pinagsama-sama mula sa mga mapagkakatiwalaang source tulad ng pederal, probinsiyal, at rehiyonal na mga organisasyon ng gobyerno na nailathala sa nakasaling format, o isinalin mula sa Ingles ng mga miyembro ng aming samahang.
Kasama ang aming mga partner sa komunidad at mga miyembro, mayroon din kaming malawak na grupo na tumutulong sa amin. Hinahangad namin na makatulong upang tugunan ang mga pagkukulang sa tamang impormasyon at aksesibilidad nito, upang mapaglingkuran naming mabuti ang mga taong mga taga-Canada.
Higit pa sa website na ito, gumagawa rin kami ng mga naka-print na resource para sa mga senior citizen at mga miyembro ng komunidad na maaaring hindi maka-punta dito sa website.
Nagpapasalamat kami sa aming mga masisipag na mga partner sa komunidad na tumutulong sa amin na magbahagi ng tamang impormasyon sa pamamagitan ng mga poster at pamphlet sa mas malawak na komunidad.