Isinulat noong Mayo 6, 2020. Para sa pinakahuling impormasyon, tignan ang COVID-19 Economic Response Plan ng Pamahalaan ng Canada at ang aming page ng mga resources na galing sa pamahalaan
Para sa mga maliliit na negosyo, ang ilang mga buwis nasa pampederal at panlalawigan ay ipinagpaliban o nabawasan dahil sa pangkalusugang emerhensiya dulot ng COVID-19.
Lahat ng nakasulat at mga resource sa pahinang ito ay sinaliksik at tinipon ng aming partner sa proyekto, ang Vancouver Chinatown Foundation. Isinalin at in-edit ng C19 Response Coalition ang ilang bahagi upang mas maging malinaw ang nilalaman ng pahinang ito.
I-click ito para sa kopya ng listahan ng mga resource na maaaring i-print sa bahay at tumutugon sa pangangailan ng mga maliliit na negosyo sa BC sa panahon ng COVID-19. Mababasa ito sa Ingles at Tradisyonal na wikang Tsino.
Canada Emergency Business Account (Agarang Tulong ng Canada para sa mga Negosyo, CEBA)
Magbibigay ang pamahalaang pederal ng pautang na walang interes, hanggang sa halagang $40,000 (25% ng matatanggap na pautang ay forgivable loan o hindi na babayaran kung ganap nang nabayaran ang 75% na inutang pagsapit ng Disyembre 31, 2022).
Para kanino ito: maliliit na negosyo at mga non-profit organization na nagpapasahod.
- Paano mag-apply: sa pamamagitan ng inyong bangko o institusyong pampinansyal
- Kwalipikasyon: upang maging kwalipikado kailangan kayong nakapagbayad ng hindi bababa sa $20,000 hanggang $1,500,000 para sa kabuuang payroll noong 2019.
Canada Emergency Commercial Rent Assistance (Agarang Tulong ng Canada para sa Komersyal na Renta, CECRA)
Mababawasan ang upa ng hindi bababa sa 75% para sa Abril, Mayo at Hunyo 2020 ang mga kwalipikadong organisasyon.
- Mababayaran ng pamahalaang pederal ang 50% ng kabuuang halaga ng upa sa pamamagitan ng forgivable loan (utang na hindi na kailangan bayaran kapag nasunod ang kondisyon).
- Babayaran ng may-ari ng paupahang ari-arian ang natitirang 25%.
- Dapat matugunan ng may-ari ng paupahang ari-arian ang mga kinakailangan sa programa para sa mga nangungupahan upang maging kwalipikado para sa programang ito.
Paano mag-apply: Antabayanan ang darating na impormasyon. Tignan ang page na ito para sa mga pinakabagong update.
Upang maging kwalipikado, ang mga nangungupahan (mga negosyo, non-profit na organisasyon, at charity (kawang-gawa)) ay dapat na:
- Nagbabayad ng mas mababa sa $50,000 kada buwan sa renta; at
- Hindi hihigit sa $20,000,000 ang kabuuang taunang kita; at
- Pansamantalang tumigil sa operasyon o nakaranas ng hindi bababa sa 70% ng pagbagsak ng kita kumpara sa panahong bago ang COVID19**
** Para masukat kung magkano ang nawalang kita, maaaring paghambingin ng mga maliliit na negosyo ang kanilang kita sa mga buwan ng Abril, Mayo, at Hunyo ng 2020 sa mga parehong buwan ng 2019. Maaari rin nilang gamitin ang kurong humigit kumulang (average) ng kanilang mga kita sa Enero at Pebrero ng 2020.