Pag-iwas sa Pansamantalang Pagtanggal at Muling Pagpapabalik sa Trabaho ng mga Manggagawa

Isinulat noong Mayo 6, 2020. Para sa pinakahuling impormasyon, tignan ang COVID-19 Economic Response Plan ng Pamahalaan ng Canada at ang aming page ng mga resources na galing sa pamahalaan

Para sa mga maliliit na negosyo, ang ilang mga buwis na pampederal at panlalawigan ay ipinagpaliban o nabawasan dahil sa pangkalusugang emerhensiya dulot ng COVID-19.

Lahat ng mga nakasulat at mga resource sa pahinang ito ay sinaliksik at tinipon ng aming partner sa proyekto , ang Vancouver Chinatown Foundation. Isinalin at in-edit ng C19 Response Coalition ang ilang bahagi upang mas maging malinaw ang nilalaman ng pahinang ito.

I-click ito para sa kopya ng listahan ng mga resource tungkol sa COVID-19 na maaaring i-print sa bahay na tumutugon sa pangangailan ng mga maliliit na negosyo sa BC. Mababasa sa Ingles at Tradisyonal na wikang Tsino.

Canada Emergency Wage Subsidy (Agarang Tulong ng Canada para sa Pagpapasahod ng mga Employer, CEWS)

Magbibigay ang pamahalaang pederal ng 75% ng sahod ng manggagawa (pinakamataas: $847 kada linggo) mula Marso 15, 2020 hanggang Hunyo 6, 2020.

Para kanino ito: Mga employer na may pasahod at nakaranas ng pagbaba sa kabuuang kita (gross revenue) na hindi bababa sa 15% noong Marso, at hindi bababa sa 30% noong Abril at Mayo.

Mga petsa at detalye para sa aplikasyon:

  • Simula ng aplikasyon: Abril 27, 2020
  • Dapat gawin ng mga employer ang kanilang makakaya para makapagbigay ng top up sa naiiwang 25% ng sahod ng mga manggagawa.
  • Panahon ng tulong (subsidy period): Marso 15, 2020 hanggang Hunyo 6, 2020
  • Paano mag-apply: sa pamamagitan ng My Business Account on CRA.

Mga paalala para sa mga taong maaaring tumanggap ng CEWS:

  • Ang CEWS ay isang uri ng tulong ng pamahalaan at dapat isama sa inyong kita na nilalapatan ng buwis.
  • Kailangan mo muling mag-apply pagkatapos ng bawat buwan. Kailangan din gumawa at magbigay ng payroll remittance sa CRA tulad ng kinagagawian.
  • Kailangan mong magbigay ng mga dokumentong nagpapatunay na bumaba ang iyong kabuuang kita sa loob ng mga panahon na nakasaad, at hindi bababa sa:
    • Unang panahon: 15% para sa Marso 2020 kapag inihambing sa Marso 2019 o kurong humigit kumulang (average) ng kabuuang kinita sa Enero at Pebrero 2020
    • Ikalawang panahon: 30% para sa Abril 2020 kumpara sa Abril 2019 o kurong humigit kumulang (average) ng kabuuang kinita sa Enero at Pebrero 2020
    • Ikatlong panahoon: 30% para sa Mayo 2020 kumpara sa Mayo 2019 o kurong humigit kumulang (average) ng kabuuang kinita sa Enero at Pebrero 2020

Kabilang dito ang: 100% na refund para sa ilang mga kontribusyon sa pasahod.

Tandaan: Dapat kang mag-apply para maibalik ang inyong pera(refund) kasabay ng inyong aplikasyon para sa CEWS.

Business Wage Subsidy (Tulong ng Pagpapasahod para sa mga Negosyo)

Magbibigay ang pamahalaang pederal ng 10% ng sahod ng isang manggagawa hanggang 3 buwan, at hanggang $1,375 para sa bawat manggagawa (hindi sosobra sa $25,000 kada employer).

Para kanino ito: mga employer (mga indibidwal, mga partnership, mga korporasyon) na nagpapasahod.

Mga petsa at mga detalye ng aplikasyon:

  • Panahon ng pagtulong: Marso 18 hanggang Hunyo 19, 2020.
  • Paano ito matatanggap: Dapat na bawasan ang inyong buwanang bayad ng buwis sa CRA ng nauukol na halaga ng tulong ng pamahalaan sa pagpapasahod. Hindi na kailangan ng aplikasyon.
  • Kailangan mong kalkulahin ang halaga ng tulong. Basahin ang pahinang ito mula sa CRA para malaman kung paano.