Mga Resource at Update Mula sa Pamahalaan

Huling update: Disyembre 1, 2020.

Dahil sa mabilis na pagbabago ng mga pangyayari kaugnay ng pandemyang COVID-19, madalas na ina-update ang mga impormasyon at mga resource. Habang ang C19 Response Coalition team ay nagsusumikap para magsaliksik at magsalin ng mga pinakabagong impormasyon sa iba’t-ibang wika, hangad naming magbigay ng mga source na magagamit sa paghahanap ng mga mapapagkatiwalaan at pinakabagong impormasyon.

Tandaan: Nasa Ingles ang lahat ng mga resources maliban kung nakalista ang mga salin sa ibang wika. Inilista namin ang mga isinalin na resources sa ibaba, ngunit maaaring hindi ito ang pinakabagong impormasyon.

Tip: Laging tingnan nang maigi ang petsa kung kailan inilabas ang impormasyon.

Pinagkukunan ng mga pinakabagong balita at mga estadistika tungkol sa COVID-19

Lungsod ng Vancouver

Lalawigan ng British Columbia

Pamahalaang Pederal ng Canada

BC Self-assessment Tool

Nakasalin ang BC self-assessment tool (Tool para sa Sariling Pagtatasa ng mga Sintomas ng COVID-19 ng BC) sa Tagalog, Traditional Chinese, Vietnamese, Ingles, Punjabi, Korean, Hindi, Farsi, at Arabic.

Lungsod ng Vancouver

Pinakabagong balita: https://vancouver.ca/news-calendar/news.aspx?&nwq=covid-19

Website ng Lungsod ng Vancouver para sa COVID-19: Vancouver.ca/COVID19

  • Magagamit na impormasyon:
    • Kasalukuyang katayuan ng serbisyong panlungsod tulad ng Pampublikong Aklatan ng Vancouver, mga community centre at mga parke.
    • Mga link sa mga impormasyon at mga resource kaugnay sa COVID-19 na makakatulong sa mga miyembro ng komunidad at mga negosyo.
  • Naisalin na impormasyon:
    • Website na naisalin sa Tagalog,Tradisyonal na Wikang Tsino, at Punjabi
    • Mga karagdagang resource na naisalin sa mga 10 wika, kasama ang Tagalog at Vietnamese, ay matatagpuan dito. Kabilang sa mga resource na ito ang ilang balita, update, pamphlet at mga poster mula sa Lungsod ng Vancouver.

Pamahalaan ng British Columbia

Pinakabagong balita: https://news.gov.bc.ca/Search?q=COVID-19

Ang COVID-19 website ng Lalawigan ng British Columbia: gov.bc.ca/COVID19

  • Magagamit na impormasyon:
    • Utos ng Province Health Officer (Opisyal ng Kalusugan ng Lalawigan): Dapat na sundin ng lahat ng mga residente ng British Columbia ang mga utos ng probinsiya dahil idineklara ng BC ang State of Emergency para sa Lalawigan.
    • Kalagayan ng serbisyong panlalawigan kabilang ang childcare at mga paaralan.
    • Impormasyon tungkol sa mga negosyo, trabaho, pagbiyahe, at mga isyu tungkol sa mga paupahan.
    • Mga link sa impormasyon at resource kaugnay sa COVID-19 na makakatulong sa mga miyembro ng komunidad at mga negosyo.
  • Naisalin na impormasyon:

BC Centre for Disease Control (Sentro ng BC para sa Pagkontrol ng mga Sakit, BCCDC)

COVID-19 website ng BC Centre for Disease Control (Sentro ng BC para sa Pagkontrol ng mga Sakit, BCCDC): http://www.bccdc.ca/health-info/diseases-conditions/covid-19

  • Magagamit na impormasyon:
    • Pag-iwas at panganib sa COVID-19
    • Impormasyon para sa mga populasyon na may prioridad kasama na ang mga taong immunocompromised, ang gumagamit ng bawal na gamot,ang mga taong may kapansanan, at ang mga walang matutuluyang bahay.
    • Datos, kasama na ang modelling at projections.
    • Mga link sa impormasyon at resources kaugnay ng COVID-19 na makakatulong sa mga miyembro ng komunidad.
  • Naisalin na impormasyon:
    • Mga materyal na isinalin sa iba’t-ibang wika kasama na ang Tradisyonal ng wikang Tsino, Punjabi, at ASL ay matutunghayan dito. Subalit tandaan na ang mga ito as hindi naglalaman ng pinakabagong impormasyon.

WorksafeBC

COVID-19 Website ng WorkSafe BC: https://www.worksafebc.com/en/about-us/covid-19-updates

  • Magagamit na impormasyon:
    • Ang mga dapat gawin ng mga employer at mga manggagawa upang manatiling ligtas.
    • Kaligtasan sa industriya (Industry safety, B.C.’s Restart Plan, Phase 1): Agrikultura, Konstruksyon, Forestry, Pangangalaga sa Kalusugan, Hospitality, at pagmamanupaktura, mga munisipyo, retail, maliliit na negosyo, at transportasyon.
    • Pagbabalik sa ligtas na operasyon (B.C.’s Restart Plan, Phase 2):Pangkalahatang gabay para mabawasan ang panganib; mga pasilidad para sa sining at kultura; mga manggagawa sa mga trabahong pangkalusugan; in-person counselling; edukasyon (K-12); opisina; parke; personal na serbisyo; real estate; restoran; cafe; at pub; Retail; Mga madalas itanong (FAQs); Anong pwedeng asahan ng mga manggagawa.
    • Template para sa Planong Kaligtasan (Safety Plan) sa COVID-19.

Naisalin na nilalaman:

Pamahalaang Pederal

Pinakabagong balita at sitwasyon: https://www.canada.ca/en/public-health/services/diseases/2019-novel-coronavirus-infection.html

COVID-19 website ng Pamahalaang Pederal ng Canada: Canada.ca/COVID19

  • Magagamit na impormasyon:
    • Kasalukuyang balita tungkol sa COVID-19, suportang pinansyal at pang-ekonomiya, kalusugan, pagbiyahe at imigrasyon, kaligtasan at siguridad.
    • Mga pages para sa mga tauhang pangkalusugan, industriya ng mga produktong pangkalusugan, mga beterano, mga komunidad ng mga katutubo, mga magulang at mga anak, mga kabataan at mga mag-aaral, at mga empleyado ng pamahalaan ng Canada.
    • Mga paraan na makatulong sa pagkolekta ng datos kaugnay ng COVID-19 at mga donasyong pinansyal o kagamitan.

Naisalin na nilalaman:

  • Ang ibang mga Awareness Resource ay maaaring basahin sa iba’t-ibang wika.
  • Hanapin sa ibaba ang mga resource sa Tradisyonal na wikang Tsino, Simpleng wikang Tisno, Tagalog at Vietnamese.
 

Higit pang impormasyon

Karagdagang Kaalaman