Pagpapaliban sa Pagbabayad ng Buwis at Mga awas sa Gastusin

Isinulat noong Mayo 6, 2020. Para sa pinakahuling impormasyon, tignan ang COVID-19 Economic Response Plan ng Pamahalaan ng Canada at ang aming page ng mga resources na galing sa pamahalaan

Para sa mga maliliit na negosyo, ang ilang mga buwis na pampederal at panlalawigan ay ipinagpaliban o nabawasan dahil sa pangkalusugang emerhensiya dulot ng COVID-19.

Lahat ng nakasulat at mga resource sa pahinang ito ay sinaliksik at tinipon ng aming partner sa proyekto, ang Vancouver Chinatown Foundation. Isinalin at in-edit ng C19 Response Coalition ang ilang bahagi upang mas maging malinaw ang nilalaman ng pahinang ito.

I-click ito para sa kopya ng listahan ng mga resource na maaaring i-print sa bahay at tumutugon sa pangangailan ng mga maliliit na negosyo sa BC sa panahon ng COVID-19. Mababasa sa Ingles at Tradisyonal na wikang Tsino.

Pagpapaliban sa pagbabayad ng buwis (tax deferrals)

  • Personal Income Tax (Buwis sa Personal na Kita)
    • Ang pagsumite ng 2019 personal income tax return ay maaaring ipagpaliban hanggang Hunyo 1, 2020. Ang pagbayad ng buwis ay pwedeng ipagpaliban hanggang Setyembre 1, 2020.
  • Partnership return (T5013) at Statement of amounts paid to non-residents (Pahayag sa mga halagang binayaran sa mga hindi residente, NR4)
    • Ang petsang itinakda para sa pagsumite ng Information Return o form ay ipinagpaliban hanggang Mayo 1, 2020.
  • Corporate income tax (Buwis sa kita ng korporasyon)
    • Ang buwis sa kita ng mga korporasyon (na itinakda sa pagitan ng Marso 1 at Mayo 31, 2020) ay ipinagpaliban hanggang Hunyo 1, 2010. Ang unang bahagi ng pagbayad ng buwis na nakatakda hanggang Marso 18, 2020 ay ipinagpaliban hanggang Setyembre 1, 2020.
  • GST, HST, at mga customs duty sa mga import (produktong inangkat)
    • Ipinagpaliban ang pagbabayad, na walang interes, hanggang Hunyo 30, 2020. Tandaan na ang GST at HST (GST34) ay hindi maaaring ipagpaliban.
  • Mga Iba Pang Panlalawigan na Buwis. Ipinagpaliban hanggang Setyembre 20, 2020 kabilang ang:
    • PST
    • Municipal and regional district tax (Buwis sa munisipal at rehiyonal na distrito)
    • Tobacco tax (Buwis sa tobako)
    • Motor fuel tax (Buwis sa enerhiyang pangmotor)
    • Carbon tax (Buwis sa enerhiyang mula sa carbon)
  • Mga Property tax (Buwis sa mga ari-arian) - Lungsod ng Vancouver
    • Mayroong programa ang pamahalaang panlungsod para sa pagpapaliban sa pagbabayad ng lahat ng bayarin para sa buwis sa mga ari-arian hanggang 60 na araw, bilang hakbang sa agarang kaluwagan.

Mga bawas sa gastusin

  • School Tax Rate (Bawas sa Buwis na Nakalaan para sa mga Paaralan)
    • Babawasan ng lalawigan ang school tax rate ng 50% para sa mga komersiyal na ari-arian (Class 4,5,6) sa tax year 2020 para mabigyan ang mga may-ari ng kakayahang agad na ipasa ang kanilang matitipid sa mga nangungupahan sa mga mayroong triple-net lease. Ang triple net lease ay kasunduan sa upa na kabilang ang pag-aako ng nangungupahan sa pagbayad sa mga property tax, building insurance, at ang anumang gastusin sa pagmementena o pagkukupumpuni na kailangan sa buong termino ng kontrata ng pag-upa.
  • Tatanggalin ang bayad sa BC Hydro
    • Sa loob ng tatlong buwan mula Abril hanggang Hunyo 2020, tinanggal ng BC Hydro ang pagsingil sa bayad ng kuryente para sa mga maliliit na negosyo na napilitang magsara dahil sa COVID-19.