Emerhensiyang Suporta

Huling update: Hunyo, 10 2020. Para sa pinakabagong impormasyon, tignan ang aming page ng mga resources na galing sa pamahalaan.

Alamin ang mga suportang pampinansiyal na galing sa mga pamahalaang panlalawigan at pederal na maaari mong makuha sa panahon ng emerhensiyang pangkalusugan dahil sa COVID-19.

Canada

Employment Insurance (Insurance sa Trabaho, EI)

Kung nawalan ka ng trabaho, o ang iyong huling araw sa trabaho ay bago mag-Marso 15, 2020, at nag-apply ka para sa Employment Insurance (Insurance sa Trabaho, EI), ipo-proseso ang iyong aplikasyon sa ilalim ng EI.

Kung ikaw ay nag-a-apply para sa suportang pampinansiyal mula sa pamahalaang pederal dahil sa mga isyu na lumabas dahil sa COVID-19, mangyaring isaisip na mag-apply muna para sa Canada Emergency Response Benefit (Benepisyo sa Pang-emerhensiyang Tugon ng Canada, CERB).

Kung may sakit ka, nag-aalaga sa may sakit, nawalan ng trabaho, o hindi makapagtrabaho dahil sa COVID-19, maaari kang mag-apply ng suporta sa kita sa pamamagitan ng (CERB).

Alamin ang mga pagkakaiba sa pagitan ng EI at CERB sa pamamagitan ng gabay na ginawa ng Bảo Vệ Collective, isang miyembro ng aming koalisyon.

Canada Emergency Response Benefit (Benepisyo sa Pang-emerhensiyang Tugon ng Canada, CERB)

Kung hindi ka makapagtrabaho dahil sa COVID-19, maaaring kwalipikado ka para sa pansamantalang suporta sa kita sa pamamagitan ng Canada Emergency Response Benefit (CERB). Lumalawak ang programa ng CERB habang nagpapatuloy ang emerhensiyang pangkalusugan dahil sa COVID-19.

Higit pang alamin ang tungkol sa kwalipikasyon para sa CERB, pagbabayad, mga buwis, imigrasyon at proseso ng aplikasyon sa pamamagitan ng gabay na ginawa ng Filipinos Rising.

Sa British Columbia lamang (kailangan mag-apply)

B.C. Emergency Benefit for Workers (Mga Benepisyong pang-emergency para sa mga Manggagawa sa B.C.) ($1,000)

Kung naapektuhan ang iyong abilidad na magtrabaho dahil sa COVID-19, maaaring kwalipikado ka para sa walang-buwis at isang beses na pagbayad na nagkakahalagang $1,000. Higit pang alamin kung kwalipikado ka at kung paano mag-apply para sa B.C. Emergency Benefit for Workers.

Sa British Columbia lamang (hindi kailangan mag-apply)

Tulong para sa Kakulangan sa Kita at Kapansanan ($300)

Dahil sa emerhensiyang pangkalusugan dahil sa COVID-19, nagbibigay ang Pamahalaan ng BC ng suplementong $300 sa mga kwalipikadong tseke ng tulong na inisyu noong Abril, Mayo, at Hunyo. Ito ay awtomatikong idinaragdag at hindi mo na kailangan mag-apply.

Kwalipikado ka kung ikaw…

Ay kasalukuyang tumatanggap ng anuman sa mga sumusunod:

  • Tulong para sa Kakulangan sa Kita
  • Tulong para sa Kapansanan
  • Comforts Allowance (Allowance para sa mga nakatira sa mga “special care facility” )
  • BC Senior's Supplement (Suplementong Tulong para sa mga Senior Citizen sa BC)

Ay hindi tumatanggap ng:

  • Pampederal na Employment Insurance (EI) o;
  • Canadian Emergency Response Benefit (CERB).

Kailan ko makukuha ang suplemento?

Tulong para sa Kakulangan sa Kita Marso 25, 2020, Abril 22, 2020, Mayo 27, 202
Tulong para sa Kapansanan Marso 25, 2020, Abril 22, 2020, Mayo 27, 2020
Comforts Allowance (Allowance para sa mga nakatira sa mga “special care facility” ) Marso 25, 2020, Abril 22, 2020, Mayo 27, 2020
BC Senior's Supplement (Suplementong Tulong para sa mga Senior Citizen sa BC) Marso 25, 2020, Abril 22, 2020, Mayo 27, 2020

Ang lahat ng impormasyong ito ay galing sa Pamahalaan ng BC. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa toll free (walang bayad) na numero ng Service BC sa 1-866-866-0800 o makipag-ugnayan sa iyong lokal na tanggapan.