B.C. Emergency Benefit for Workers (Mga Pang-emergency na Benepisyo para sa mga Manggagawa sa B.C.)

Huling update: Hunyo, 10 2020. Para sa pinakabagong impormasyon, tignan ang aming page ng mga resources na galing sa pamahalaan.

Kung naapektuhan ng COVID-19 ang iyong abilidad na magtrabaho, maaari kang kwalipikado para sa walang buwis, at isang beses na bayad na nagkakahalagang $1,000. Higit pang matuto tungkol sa iyong kwalipikasyon at kung paano mag-apply para sa B.C. Emergency Benefit for Workers.

Ang lahat ng impormasyon sa seksiyong ito ay galing sa Pamahalaan ng British Columbia.

Sino ang kwalipikado?

Ikaw…

  • Ay residente ng British Columbia noong Marso 15, 2020.
  • Ay natutugunan ang mga kinakailangang kwalipikasyon para sa Canada Emergency Response Benefit (Benepisyo sa Pang-emerhensiyang Tugon ng Canada, CERB). Higit pang matuto tungkol dito.
  • Ay naaprubahan para sa Canada Emergency Response Benefit (CERB), kahit na hindi ka pa nakakatanggap ng bayad sa pederal na benepisyo.
  • Hindi bababa sa 15 taong gulang sa araw na ikaw ay nag-apply.
  • Nagpasa o sumang-ayon na magpasa ng income tax return (ulat ng kita para sa buwis) sa BC para sa 2019.
  • Hindi tumatanggap ng panlalawigang tulong sa kita o pangkapansanang tulong.

Proseso ng aplikasyon

Maaari kang mag-apply para sa B.C. Emergency Benefit for Workers online o sa pamamagitan ng telepono, ngunit hinihikayat ang mga aplikasyon online. Humigit-kumilang aabot ng 15 minuto para makumpleto ang aplikasyon at available lamang ito sa Ingles.

Upang mag-apply sa pamamagitan ng telepono, tumawag sa

  • 1-855-955-3545 (sa loob lamang ng BC).
  • 1-778-309-4630 (sa labas ng B.C.) Maaaring tumawag mula Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 4:30pm.

Upang mag-apply, kailangan mo ng isa sa mga sumusunod:

  • Social Insurance Number (Numero ng Panlipunang Insurance, SIN).
  • Individual Tax Number (Numero sa Indibidwal na Buwis, ITN).
  • Temporary Tax Number (Pansamantalang Numero sa Buwis, TTN).

Impormasyon para sa direct deposit (direktang deposito)

Maaari ka lamang makatanggap ng B.C. Emergency Benefit for Workers sa pamamagitan ng direct deposit. Makukuha mo ang iyong impormasyon sa direct deposit sa ibaba ng iyong mga tseke mula sa bangko. Gamitin ang litrato sa ibaba bilang gabay.

An image of a bank cheque highlighting the 5-digit Branch (Transit) Number, 3-digit Institution Number, and 7-digit Account Number, respectively

Kung wala kang mga tseke, makipag-ugnayan sa iyong pampinansiyal na institusyon at tanungin sa kanila ang iyong numero ng branch, numero ng institusyon, at numero ng account.