Restart Plan ng BC

Huling update: Hulyo 27, 2020. Para sa pinakabagong impormasyon, tignan ang aming page ng mga resources na galing sa pamahalaan.

Alamin ang Restart Plan ng Pamahalaan ng British Columbia at ang apat na yugto na maingat at dahan-dahang isasagawa upang buksan muli ang ekonomiya habang patuloy ang COVID-19. Sa bawat yugto, inilalarawan ng Restart Plan ng BC kung paano dapat magbukas muli ang mga espesipikong industriya, mga negosyo at organisasyon, at kung ano ang dapat malaman ng mga indibidwal upang manatiling ligtas.

Ang lahat ng impormasyon sa page na ito ay binuod mula sa Restart Plan ng BC na nagmula sa Pamahalaan ng British Columbia.

Para sa mga negosyo: Dapat na gumawa ang bawat sektor ng pinagtibay na mga protocol na alinsunod sa Mga Panuntunan sa Pampublikong Kalusugan at Kaligtasan bago magpatuloy, at aasahan na sundin at isagawa ang mga planong pangkaligtasan ng sektor na ginabayan ng WorkSafeBC.

Mag-ingat! Habang maingat at ligtas na nagbubukas muli ang mga negosyo at ang ekonomiya, mahalaga na patuloy ang lahat na magsagawa ng pisikal na pagdistansiya at sumunod sa mga aksiyon para sa personal na kalinisan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa ating mga komunidad. Magkaroon ng karagdagang kalaaman sa aming page para sa Pag-iwas at Personal na Kalinisan.

Unang Yugto: Kalagitnaan ng Marso hanggang Kalagitnaan ng Mayo

Sa Unang Yugto, ang mga industriyang tinukoy bilang mga kinakailangang serbisyo (“essential services”) ay pinahintulutang magbukas sa kondisyon na ligtas ang kanilang operasyon.

Mga Kinakailangang Serbisyo na Nananatiling Tumatakbong Operasyon Sa Panahon ng COVID-19:

  • Mga kinakailangang serbisyong pangkalusugan.
  • Ang mga nagpapatupad ng batas, nagtatrabaho para sa kaligtasan ng publiko, mga nagtatrabaho bilang first responder at pang-emergency response.
  • Mga provider ng serbisyo para sa bulnerableng populasyon.
  • Kritikal na imprastraktura.
  • Mga provider ng pagkain at serbisyo sa agrikultura.
  • Transportasyon
  • Industriya at manufacturing (pagmamanupaktura).
  • Sanitasyon
  • Komunikasyon at information technology.
  • Mga institusyong pampinansiyal.
  • Iba pang mga provider ng kinakailangang serbisyo na di-pangkalusugan.

Maaaring manatiling bukas ang mga ibang negosyo na hindi kabilang sa mga kinakailangang serbisyo sa panahon ng yugtong ito. Kailangan lamang nilang sumunod sa mga utos para sa pampublikong kalusugan. Maaaring kailangan i-update ng mga negosyo na nagsimula ng operasyon sa Unang Yugto ang kanilang mga Safety Plan (planong pangkaligtasan) upang maging angkop para sa mga panuntunan ng pamahalaan, mga best practice at mga resource bago patuloy na magsagawa ng operasyon sa Ikalawang Yugto.

Ikalawang Yugto: Mula kalagitnaan ng Mayo

Pinapahintulutan sa Ikalawang Yugto ang maingat na muling pagbubukas ng mas maraming industriya ng panlalawigang ekonomiya na sumusunod sa mga pinatibay na protocol sa kalusugan at kaligtasan.

Mga industriyang pinapahintulutang magbukas muli sa ilalim ng mga pinagtibay na protocol:

  • Pagbabalik ng mga pangkalusugang serbisyo.
    • Pag-iskedyul muli ng mga elective surgery.
  • Mga kaugnay na serbisyong medikal:
    • Dentistry, physiotherapy, registered massage therapy, at mga chiropractor.
    • Physical therapy, speech therapy, at mga kahambing na serbisyo.
  • Sektor ng retail (pagbebenta).
  • Mga hair salon, barbero, at iba pang mga establisimyento para sa pampersonal na serbisyo.
  • In-person counselling.
  • Mga kainan, cafe, at pub (na sumusunod sa angkop na hakbang para sa social distancing).
  • Mga museo, art gallery, at silid aklatan.
  • Mga lugar ng trabaho na nasa tanggapan.
  • Mga libangan at sports.
  • Mga parke, beach, at panlabas na mga lugar at espasyo.
  • Pangangalaga sa mga bata.

Anong ibig sabihin ng yugtong ito para sa mga indibidwal?

Sa yugtong ito, hinihiling sa publiko na manatiling malapit sa kanilang tirahan at patuloy na iwasan ang anumang pagbiyahe sa iba’t-ibang lugar kung hindi kinakailangan.

Ikatlong Yugto: Tinatantiyang mula Hunyo hanggang Setyembre

Magpapatuloy lamang ang Lalawigan ng BC) sa Ikatlong Yugto kung mananatiling mababa o pababa ang rate ng transmission o pagkalat ng COVID-19 sa Ikalawang Yugto. Opisyal na nagsimula ang Ikatlong Yugto noong Hunyo 24 at maaari kang makakuha ng pinakabagong update sa website ng Pamahalaan ng British Columbia.

Mga industriyang inaasahang muling magbubukas sa Ikatlong Yugto (sa ilalim ng mga pinagtibay na protocol):

  • Mga hotel at resort (Hunyo 2020).
  • Mga parke – mas malawak na muling pagbubukas, kabilang ang overnight camping (Hunyo 2020)
  • Industriya ng pelikula – magsisimula sa mga lokal na produksiyon (Hunyo/Hulyo 2020).
  • Piling libangan – mga sine at symphony, ngunit hindi kabilang ang malalaking concert (Hulyo 2020).
  • Mga paaralang post-secondary – may halo ng online at personal na mga klase (Setyembre 2020).
  • Edukasyong pang-K-12– hindi buong pagbalik ngayong “school year” (Setyembre 2020).

Anong ibig sabihin ng yugtong ito para sa mga indibidwal?

Kung mananatiling mababa o pababa ang rate ng transmission o pagkalat ng COVID-19, maaari nang magbiyahe ang mga tao sa buong BC.

Ikaapat na Yugto: To be determined (hindi pa napagpapasiyahan)

Sa kasalukuyan, hindi pa alam kung kailan magsisimula ang Ikaapat na Yugto. Magpapatuloy lamang ang Lalawigan ng BC sa Ikaapat na Yugto kapag natugunan ang kahit isa sa mga sumusunod:

  • Malawakang pagbabakuna.
  • Imyunidad ng “komunidad”.
  • Malawakan at matagumpay na mga paggamot.

Mga Aktibidad/Industriya na muling magbubukas sa ilalim ng Ikaapat na Yugto:

  • Mga aktibidad na kinakailangan ng malaking pagtitipon, tulad ng:
    • Mga convention.
    • Propesyonal na sports na mayroong live audience.
    • Mga concert.
  • Internasyonal na turismo.

Ang ligtas na pagbubukas ng mga night club, casino at bar ay kailangang pag-isipan nang maigi. Tulad ng ibang mga sektor, ang mga asosasyon ng industriya ay inaasahan na gumawa ng mga plano sa ligtas na operasyon, para suriin, alinsunod sa Mga Panuntunan ng Pampublikong Kalusugan at Kaligtasan, pati na rin ang sa WorkSafeBC.

Ano ang kailangang gawin ng mga negosyo upang muling makapagbukas sa Ikalawa, Ikatlo at Ikaapat na Yugto?

Dapat na tiyakin ng mga sektor ng industriya na sila ay sumusunod sa [mga utos para sa pampublikong kalusugan] at ayon sa mga kinakailangan at gabay na itinakda ng WorkSafeBC.

Ang mga employer na naghahanda sa pagbabalik ng operasyon ay kailangang gumawa ng isang Planong Pangkaligtasan para sa COVID-19 upang ligtas na makapagbukas muli. Kabilang dito ang pagtatasa ng mga panganib sa pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lugar ng trabaho, at ang paggawa ng mga hakbang upang mabawasan ang mga panganib na ito. Tingnan ang mga resource upang suportahan ang mga negosyo at mga sektor habang nagsisimula muli ng kanilang mga aktibidad kabilang ang bagong Mga Panuntunan sa Kalusugan at mga Checklist mula sa WorkSafeBC.

Higit pang impormasyon

Karagdagang kaalaman

Ako ay may-ari ng negosyo o manggagawa:

  • Nagbibigay ang WorkSafeBC ng lahat ng impormasyon at mga resource para sa mga small business upang manatiling ligtas habang muling nagbubukas ang ekonomiya. Tingnan ang kanilang mga page para sa impormasyon na espesipiko sa industriya para sa Unang Yugto at Ikalawang Yugto ng muling pagbubukas, at kabilang din ang template ng Planong Pangkaligtasan para sa COVID-19.
  • Nagbibigay ang Small Business BC ng isang updated na gabay para sa mga small business para sa mga best practice sa muling pagbubukas, paggawa ng Planong Pangkaligtasan para sa COVID-19, at mga panuntunan na espesipiko sa industriya na kailangan nilang malaman.

Mga Sanggunian