Alamin ang mga helpline na pederal at panlalawigan na maaaring tawagan upang humanap ng impormasyong medikal at suporta para sa mga serbisyo ng pamahalaan.
Tandaan na ang lahat ng mga tumutulong sa mga helpline ay nagsasalita ng Ingles, ngunit mayroong serbisyo para sa tagasalin sa Tagalog. Tingnan ang mga hakbang at gabay sa ibaba kung paano humiling ng mga serbisyo ng tagasalin.
Mga medikal na helpline (linya ng tulong)
8-1-1
- Tumawag para sa impormasyon at payong pangkalusugan tungkol sa COVID-19.
- Maaaring tawagan kahit kailan - 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
- May suporta sa higit 130 wika.
- Tumawag sa 7-1-1 kung ikaw ay bingi, mahina ang pandinig, o may kapansanan sa pananalita.
9-1-1
Tumawag agad kung mayroong nakamamatay na emerhensiya, pananakit ng dibdib, kahirapan sa paghinga, o matinding pagdurugo.
Maaaring tawagan kahit kailan - 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
May suporta para sa maraming wika.
Mga helpline na hindi pang-medikal (linya ng tulong)
1-888-COVID19 (sa BC lamang)
Tumawag para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 at impormasyon para sa suporta at mga resource mula sa mga pamahalaang panlalawigan at pederal.
Maaaring tawagan mula 7:30am hanggang 8:00pm, 7 araw sa isang linggo.
May suporta sa higit 110 wika.
Paano ko hihilingin ang tulong sa aking wika, at ano ang dapat kong asahan?
- Kapag tumawag ka sa linyang ito, nasa Ingles ang main menu. Tatanungin ka ng kausap mo sa linya kung ang iyong isyu ay medikal o hindi medikal.
- Kung medikal na isyu ito, mangyaring sabihin: “Medical please.”
- Kung ito ay isang emerhensiya, kailangan mong ibaba ang telepono at tumawag sa 911.
- Kung hindi, huwag ibaba ang telepono at maghintay sa linya. Dapat handa ang iyong Care Card o BC Service Card.
- Kung hindi medikal ang isyu, mangyaring sabihin: “Non-medical please.”
- Pagkatapos, maaari mo nang hilingin ang pagsasalin sa iyong wika:
- Para sa Tagalog: “Tagalog or Filipino only, no English.”
- Kung medikal na isyu ito, mangyaring sabihin: “Medical please.”
- Maghihintay ka habang naghahanap ng tagasalin ang nasa kabilang linya. Kapag sumali na sa linya ang tagasalin, maaari na niyang isalin ang pag-uusap ninyo at ng nagsasalita sa Ingles.
2-1-1 (United Way, sa BC lamang)
- Tumawag para sa impormasyon tungkol sa tulong na pampinansiyal o suporta sa kita, mga serbisyo sa legal na tulong, mga serbisyo sa pansamantalang rekursong pinansiyal, gabay sa sistema para sa mga serbisyong pambata at pampamilya, at pagkuha ng suporta sa tahanan.
- Maaaring tawagan 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
- May suporta para sa maraming wika.
- Maaaring tawagan kahit kailan - 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
- May suporta para sa maraming wika.
Paano ko hihilingin ang tulong sa aking wika, at ano ang dapat kong asahan?
- Kapag tumawag ka sa linyang ito, nasa Ingles ang main menu.
- I-dial ang ‘1’: Kung ikaw ay isang senior citizen na ang tulong na kinakailangan ay hindi medikal o isang volunteer na sumusuporta sa mga senior citizen sa kanilang komunidad.
- I-dial ang ‘2’: Para sa impomasyong hindi medikal hinggil sa COVID-19
- I-dial ang ‘3’: Para sa mga espesyal na serbisyo / tulong / mga resource mula sa pamahalaan.
- Kailangan mong pumili ng isang opsiyon, kung hindi, mapuputol ang linya.
- Maghintay hanggang may sumagot ng tawag.
- Marunong lamang ng Ingles ang nasa kabilang linya. Kung kinakailangan, maaaring humiling ng tagasalin. Mangyaring sabihin: “Interpreter please.”
- Tatanungin ka nila kung anong wika ang kinakailangan. I-ho-hold nila ang iyong tawag hanggang makahanap sila ng tagasalin.
- Para sa Tagalog: “Tagalog or Filipino only.”
- Maghihintay ka habang naghahanap ng tagasalin ang nasa kabilang linya. Kapag sumali na sa linya ang tagasalin, maaari na niyang isalin ang kumbersasyon ninyo ng nagsasalita sa Ingles.
1-833-784-4397 (para sa buong Canada)
- Tumawag para sa pinaka bagong impormasyon tungkol sa COVID-19.
- Toll-free (walang bayad) na numero.
Paano ko hihilingin ang tulong sa aking wika, at ano ang dapat kong asahan?
- Kapag tumawag ka sa linyang ito, papipiliin ka sa main menu na pindutin ang 1 para sa nagsasalita ng Ingles o 2 para sa nagsasalita ng wikang Pranses. I-dial ang 1.
- Sa panahong ito, magbibigay sila ng kasalukuyang impormasyon ngunit ito ay nasa Ingles. Manatili sa linya at maghintay. May sasagot sa tao sa kabilang linya.
- Kailangang humiling ka ng tagasalin. Mangyaring sabihin: “Interpreter please.”
- Pagkatapos nito, maaari ka nang humiling para sa iyong wika:
- Para sa Tagalog: “Tagalog or Filipino only.”
- Pagkatapos nito, maaari ka nang humiling para sa iyong wika:
- Maghihintay ka habang naghahanap ng tagasalin ang nasa kabilang linya. Kapag sumali na sa linya ang tagasalin, maaari na niyang isalin ang kumbersasyon ninyo ng nagsasalita sa Ingles.